Home NATIONWIDE Imelda nasa maayos na kalagayan na

Imelda nasa maayos na kalagayan na

MANILA, Philippines- Mas mabuti at gumaan na ang pakiramdam ngayon ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos matapos na dalhin sa ospital dahil sa bahagyang pneumonia at lagnat.

“My mother is feeling much better. I visited her last night after arriving from Melbourne and she was awake, alert, and even up at midnight,” ayon kay Pangulong Marcos.

“In consultation with her medical team, it has been confirmed that her fever is gradually subsiding, and she is on the path to recovery,” dagdag na wika nito.

Mula Australia, kaagad na dumiretso ang Pangulo sa ospital nang dumating sa Maynila, araw ng Miyerkules.

Ayon sa Pangulo, mananatili pa rin ang kanyang ina sa ospital habang patuloy na ginagamot.

“We’ve decided to keep her in the hospital until she finishes her prescribed course of antibiotic treatment. This measure will also afford her the necessary rest and continuous medical supervision,” ang pahayag ng Chief Executive.

“Thank you for your concerns and well-wishes during this time,” dagdag ng Pangulo. Kris Jose

Previous articleQuiapo Church sa mga mananampalataya: Makiisa sa mga aktibidad para sa Mahal na Araw
Next articleGamot sa cancer, hypertension swak sa VAT-exempted drugs