Home NATIONWIDE ‘Gang 20 senador boboto pabor sa SC ruling sa VP Sara impeachment

‘Gang 20 senador boboto pabor sa SC ruling sa VP Sara impeachment

315
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na posibleng umabot sa 19 hanggang 20 senador ang boboto upang “sumunod” sa desisyon ng Korte Suprema na nagpawalang-bisa sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Estrada, karamihan sa mga senador ay nagpahayag sa caucus noong Martes na pabor silang sundin ang ruling ng SC na nagsasabing wala nang hurisdiksyon ang Senado dahil labag sa Konstitusyon ang impeachment articles mula sa Kamara.

“Technically, it’s tantamount to dismissal,” ani Estrada. Inaasahan ang pagboto ng Senado sa Agosto 6.

Dagdag niya, hindi na kailangang hintayin pa ang apela ng Kamara, dahil maaaring ituloy ng Senado ang paglilitis kung sakaling baligtarin ng SC ang desisyon. May hanggang Agosto 11 ang Kamara upang magsampa ng motion for reconsideration. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here