Home METRO Gang wanted sa anti-hazing, huli sa manhunt ops sa Valenzuela

Gang wanted sa anti-hazing, huli sa manhunt ops sa Valenzuela

277
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Swak sa selda ang sinasabing  gang leader at mga miyembro nito na kapwa wanted sa kaso ng anti-hazing makaraang masakote sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, may warrant of arrest na inilabas ang Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 270, noong October 23, 2025 laban sa 41-anyos na akusado na si alyas “Og” na leader umano ng True Brown Style (TBS) para sa paglabag sa Section 14(b)(1) of RA 11053 — the Anti-Hazing Act.

Dagdag niya, ang akusado na residente ng Barangay Gen. T. de Leon, ay nakatala bilang No. 4 sa Top Ten Most Wanted Person sa Valenzuela CPS kaya iniutos niya sa kanyang mga tauhan ang malawakang pagtugis laban dito.

Dakong alas-6:40 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Malinta Police Sub-station 4 sa pangunguna ni P/Lt Michael Dela Cruz ang akusado sa harap ng Valenzuela RTC sa Brgy. Malinta sa bisa ng warrant na walang inirekomendang piyansa.

Ani Col. Talento, ang kaso ay nag-ugat noong Pebrero 15, 2025 sa Barangay Veinte Reales, na kinasasangkutan ng 12-anyos n na babaeng estudyante sa junior high school na ay umano’y nirekrut ng mga miyembro ng gang na TBS.

Bilang bahagi ng initiation process bago ang pormal na pagtanggap sa grupo, ang biktima ay isinailalim sa isang ritwal ng initition na kilala bilang “30-second massacre”, kabilang ang patuloy na pagsampal sa mukha ng biktima sa loob ng tatlumpung segundo at pagsunog sa panloob na bahagi ng kanyang hintuturo gamit ang isang sigarilyo, na umano’y utos ng pinuno ng gang.

Tatalo sa apat pang suspek na itinuturing na children in Conflict with the Law (CICL) nahuli rin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa bisa ng Order to Take Custody dahil din sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018.

Habang nadakip naman ng pinagsanib na puwersa ng Station Intelligence Section (SIS) at WSS si alyas “Warren,” 30, Top 7 MWP at miyembro ng TBS gang sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Niyugan, Jaen, Nueva Ecija.

Inaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu rin ng RTC Branch 270, noong Abril 27, 2021, para sa paglabag sa R.A 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), na walang inirekomendang piyansa.

Pinuri naman ni Mayor Wes Gatchalian si Col. Talento at kanyang mga tauhan sa matagumpay na sunod-sunod na pagka-aresto sa mga akusado at pinaigting na kampanya nila laban sa hazing, street gangs, atmga krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Ani Mayor Wes, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay patuloy na sumusuporta sa mga inisyatibo ng pagpapatupad ng batas na naglalayong protektahan ang mga bata at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here