MANILA, Philippines — Kinokonsidera ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nag-aakusa sa kanya na tumanggap umano ng P10 milyon mula sa mga dating bodyguard ni dating kongresista Zaldy Co.
Gayunman, sinabi ni Garcia na hihintayin muna niyang maisailalim sa sinumpaang salaysay ang mga alegasyon bago magsagawa ng legal na hakbang.
“Because it is not under oath, we cannot charge them with what is called perjury. Perjury is more serious, the possible punishment for that is up to six years and one day [imprisonment]. So because this was not a sworn statement, we can only charge them with what is called oral defamation,” ani Garcia sa isang panayam nitong Miyerkules.
Mariin ding itinanggi ng Comelec chief ang alegasyong tumanggap siya ng maleta na may lamang pera na umano’y mula sa mga maanomalyang flood control project.
“It’s a big lie. In our country today, it’s very easy to sell lies as long as there’s a price,” aniya.
Naniniwala rin si Garcia na maaaring may kaugnayan sa nalalapit na halalan sa 2028 ang pag-uugnay sa kanya sa kontrobersiya.
“The institution can be destroyed because of that demolition job. So, that’s what we are seeing as a reason,” dagdag niya.
Nag-ugat ang isyu matapos magpahayag noong Martes ang isa sa mga dating bodyguard ni Co na umano’y naghatid sila ng bag na naglalaman ng P10 milyong cash para sa Comelec chairperson. RNT