Home NATIONWIDE Garcia: Pagsangguni sa SC ‘di laro

Garcia: Pagsangguni sa SC ‘di laro

oppo_2

MANILA, Philippines- Inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na hindi nilalaro ang pagpunta sa Korte Suprema at dapat itong respetuhin.

Ginawa ni Garcia ang pahayag kaugnay sa kautusan ng Korte Suprema kung saan pinagpapaliwanag si Francis Leo Marcos kung bakit hindi siya dapat ma-cite in contempt sa naging aksyon niya partikular sa pag-atras sa kanyang senatorial bet matapos naman siyang bigyan ng Temporary Restraining Order ukol sa kanyang disqualification case.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Garcia na hindi dapat magtungo sa Korte Suprema para humingi ng remedyo at nang mapagbigyan ay saka aatras.

“Anticipated ko po yan, kahit sinong lawyer, marunong man o hindi, ‘yan ang magiging aksyon ng Kataas-taasang Hukuman,” ayon kay Garcia.

Binigyan-diin ni Garcia na dapat respetuhin ang Korte Suprema na pinakamataas na korte sa bansa.

Ayon kay Garcia, tila kahiya-hiya sa legal system at legal na proseso ang ganitong aksyon ng mga kandidato.

Sakali aniyang ma-cite in contempt ng Korte Suprema si Leo Marcos ay bahala na aniya siyang magpaliwanag at idepensa ang sarili.

“Ang pakiusap natin lagi, if a Comelec and projects the prospective of the Supreme Court — why can’t be?”

Ayon kay Garcia, magiging aral na ito sa lahat na hindi pwedeng “biro” lang ang kanilang ginagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden