Home NATIONWIDE Gasolinahan nagpaliwanag sa ‘drawing’ na lifetime fuel supply ni Hidilyn Diaz

Gasolinahan nagpaliwanag sa ‘drawing’ na lifetime fuel supply ni Hidilyn Diaz

182
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Phoenix Petroleum nitong Huwebes na nawala ang libreng lifetime fuel incentive ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz matapos siyang pumirma ng kontrata sa ibang fuel company.

Ayon sa kompanya, sinuportahan nila si Diaz mula pa noong 2018, kabilang ang P5 milyong cash donation at unang taon ng fuel allocation matapos ang kanyang historic na panalo sa 2020 Tokyo Olympics. Bilang nag-iisang gold medalist, binigyan si Diaz ng libreng fuel for life, habang ang iba pang medalists ay nakatanggap ng fuel allocations na may limitadong panahon.

Sinabi ng Phoenix Petroleum na naibigay ang ikalawang taon ng fuel support kay Diaz noong Marso 2022, ngunit tumanggi siyang i-share ito online dahil sa kontrata sa ibang fuel brand. Binigyang-diin ng kompanya na hindi na maaaring ipagpatuloy ang fuel donation dahil sa brand alignment, isang karaniwang kondisyon sa corporate sponsorships.

Ipinahayag din ng Phoenix Petroleum ang pagkadismaya na muling lumabas ang isyu online sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis imbes na ayusin muna ito nang pribado sa kanila.

Nauna na kasing nagpahayag ng paglilinaw ang manager ni Diaz na hindi umano totoo o ‘drawing’ lang ang nasabing lifetime supply ng gas para kay Diaz.

Umugong ang nasabing premyo kay Diaz kasabay ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng giriin sa pagitan ng US at Iran. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here