Home NATIONWIDE Gastos ng CHED commissioner kasama pamilya sa meeting sa SUCs, kinastigo sa...

Gastos ng CHED commissioner kasama pamilya sa meeting sa SUCs, kinastigo sa Senado

MANILA, Philippines- Matinding kinastigo ni Senador Chiz Escudero ang gastusin ng ilang commissioner ng Commission on Higher Education (CHED) na bumibisita sa state colleges and universities (SUCs) o out-of-town meetings kasama ang pamilya.

Sinabi ni Escudero na dapat higpitan ng CHED ang gastusin ng kanilang commissioner na dumadalas ang pagpupulong sa SUCs kasama ang pamilya na ginagastusan ng partikular na pamantasan.

Ibinulgar ito ni Escudero, chairman ng Senate Committee on Higher and Technical Education, sa ginanap na pagdinig sa panukalang 25 education bills at inaprubahan in principle.

Sinabi ni Escudero na matinding binabatikos ng ilang SUCs ang CHED commissioner na dumadalas ang pulong sa kanila na ikinakarga sa pondo ng partikular na paaralan.

“One of the complaints against a commissioner was that he was conducting more than the regular meetings at the expense of the SUCs. And number two, that he was being accompanied by not only members of his family but also more than enough staff that the commissioner actually needs, again, at the expense of the SUC,” ayon sa senador na tumutukoy kay dating CHED commissioner Joe Mark Libre, na sinibak ng Office of the Ombudsman sanhi ng nepotism.

“So perhaps, it is time that CHED issue a memorandum regulating what will be charged against SUCs in cases of meetings held on-site and what will be charged against CHED, and what should be charged against the personal account of the CHED official,” aniya.

Hinimay ni Escudero sa pagdinig ang per diems na hinihingi ng bawat commissioner na dumadalo sa anumang meeting.

Aniya, hindi na dapat naningil ng per diem kapag isinagawa ang meeting sa Metro Manila.

“If the hearing or meeting is going to be conducted within CHED premises, or within Metro Manila, utang na loob, wala na dapat per diem ang commissioner. Some SUCs give that is why when I appointed my representatives to the various SUCs, I told them that they are not allowed or authorized to receive anything. That’s a strict order,” ayon kay Escudero.

Aabot sa 112 ang bilang ng SUCs sa buong bansa na pag-aari ng pamahalaan na nagbibigay ng libreng matrikula bukod dito ang 421 satellite campus. Ernie Reyes

Previous articleSchool assignments, paalala para sa mga kukuha ng career service exam sa Mar. 3 inilabas ng CSC
Next articleMotornapping modus ng mag-dyowa buking!