Home NATIONWIDE Gatchalian naalarma sa paglobo ng kaso ng suicide: ‘Mental health program paigtingin’

Gatchalian naalarma sa paglobo ng kaso ng suicide: ‘Mental health program paigtingin’

124
0

MANILA, Philippines – Sa gitna ng pag-akyat ng bilang ng naitalang kaso ng suicide sa Metro Manila, isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang mas maigting na pagpapatupad ng komprehensibong programa sa mental health.

Ani Gatchalian, isang mahalagang hakbang ang pagpapatupad ng mga naturang programang magbibigay ng proteksyon sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong, lalo na upang maiwasan ang pagkawala ng marami pang buhay.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan lumabas na dumoble pa ang bilang ng suicide cases sa National Capital Region sa unang tatlong buwan ng 2026.

Nakapagtala ang NCRPO ng 111 kaso mula January 1 hanggang March 23 ngayong taon, mas mataas ng halos tatlong beses sa 38 na naitala sa parehong mga buwan noong 2025.

“Sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga kaso ng suicide sa bansa, mahalagang patatagin natin ang mga programang magtataguyod sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan, lalo na pagdating sa mental health,” ani Gatchalian. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here