Home NATIONWIDE Gatchalian, Poe nangamba sa pagdami pa ng POGO-related crimes

Gatchalian, Poe nangamba sa pagdami pa ng POGO-related crimes

MANILA, Philippines – Lubhang ikinabahala nina Senador Sherwin Gatchalian at Grace Poe ang posibleng pagdami ng krimen na kaugnay sa nalalabing miyembro ng sindikato ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos ang pagdukot sa isang Chinese student kamakailan.

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi nina Gatchalian at Poe na kailangan kumilos at tugisin ng awtoridad ang dumukot sa estudyante na pinaniniwalaang Natitirang miyembrong sindikato sa POGO sa kabila ng total ban.

Ayon kay Gatchalian na kapag nabigong kumilos kaagad ang pamahalaan laban sa insidente, malamang magbukas ng panibagong pintuan sa mas maraming insidente na dumudukot ng kabataan.

“There is only one acceptable outcome in this manhunt: Full accountability for the perpetrators. Anything less is unacceptable,” ayon kay Gatchalian sa pahayag.

Nagpahayag ng lubhang pagkabahala si Gatchalian, tulad din ni Poe, sa ulat na ilang organisadong criminal syndicate na nakaangkla sa POGO ang dumudukot ngayon sa menor de edad.

“This is not just an isolated case. It is a wake-up call. If we do not stop this immediately, it could mark the beginning of a wider modus operandi, where POGO-linked groups target our children,” aniya.

Dahil dito, hinikayat ni Gatchalian ang paaralan, magulang, komunidad at law enforcement agencies na magkaisa upang palakasin ang child protection programs upang maiwasan na magkaroon ng susunod na insidente.

“It is appalling that these organized crime groups now endanger the lives of innocent children. Schools must collaborate with parents and authorities to ensure security measures are in place to keep our learners safe,” aniya.

Binanggit pa ng senador ang kahalagahan ang pagpapatingkad ng kaalamanan sa estudyante na maging mapagmatyag laban sa potensiyal na panganib.

Kasabay nito, hinikayat din niya ang security forces na palakasin ang kampanyalaban sa terorista base sa pinakahuling inarestong Chinese nationals na sangkot sa pag-eespiya sa bansa.

Kailangan nang higpitan ang security measure sa lahat ng pangunahing infrastructure at installation matapos ang ilang serye ng pagdakip sa dayuhan na nagsasagawa ng pag-eespiya malapit sa ilang tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang Malacanang Palace sa Manila.

“Dapat nating paigtingin na lalo ang ating pambansang seguridad lalo na sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea at sa lumalalang banta sa pandaigdigang kaayusan,” aniya.

Samantala, sinusugan din ni Poe ang panawagan ni Gatchalian hinggil sa paghihigpit ng seguridad dahil tila “business as usual” na naman ang ilang ex-POGO operators sa paggawa ng krimen.

Aniya, lumilitaw na andito pa ang maraming POGO kahit may total ban ang pamahalaan na pinatingkad ng pagdukot sa isang Chinese student na lubhang nakakabahala.

“The kidnapping of the Chinese student, which the police linked to a POGO syndicate, raises a grave public safety issue. It can’t be business as usual for these that we have banished from our country,” ayon kay Poe.

“Authorities must go after these syndicates without letup to show the true mettle of our laws,” aniya. Ernie Reyes