Home METRO Kelot pinaghahataw ng dos por dos sa ulo, dedbol

Kelot pinaghahataw ng dos por dos sa ulo, dedbol

PANGASINAN- Patay ang isang 56-anyos na magsasaka matapos pagpapalauin sa ulo ng dos por dos ng kanyang pinsan sa Brgy. Pindangan, Sison ng lalawigang ito kagabi, Marso 1.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima at ang 42-anyos na suspek ay parehong magsasaka, residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang magpinsan na magkapitbahay din ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo.

Habang nagtatalo ang dalawa, kumuha umano ng dos por dos ang suspek at hinataw ng paulit-ulit sa ulo ang biktima.

Isinugod sa Pozorrubio Community Hospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Agad namang naaresto ang suspek. Rolando S. Gamoso