NAKAHANDANG pamunuan ni reelectionist Senator Francis TOL Tolentino ang karagdagang pwersang magtatanggol sa West Philippine Sea laban sa mga intruding forces partikular ng mga Chinese na matagal nang inaangkin ang mga bahagi ng West Philippine Sea.
Nais umanong makibahagi ni Senador TOL Tolentino sa pagpapalakas ng pwersa ng Philippine Army sa West Philippine Sea na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Western Command (WESCOM) at Northern Luzon Command (NOLCOM) .
Ang pahayag ni Senador TOL Tolentino ay bilang tugon sa pinakahuling narrative ng China na kanila at bahagi ng China ang Palawan.
Inaangkin ng China ang Palawan dagdag sa mga inaangkin nitong Spratlys Group of Islands, Panatag Shoal at Scarborough Shoal/Bajo de Masinloc sa Zambales.
Sa kasalukuyan, si reelectionist Senator TOL Tolentino ay Brigade Commander ng Army Reserve Command ng CAMANAVA.
” Susulat ako bukas sa Army Reserve Command, sa Army Reserve Command kasi ako ang Brigade Commander ng CAMANAVA 1501st Division . Magpapalipat ako ng assignment sa Palawan Army Reserve Command para makatulong lumakas yung ating army reserve command sa Palawan”, sabi ni reelectionist Senator TOL Tolentino sa chance interview ng REMATE.
Magugunitang una pa rito ay sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na hihilingin niya kay Pangulo Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magtatag ng dedikadong Philippine Sea Command upang mapalakas ang maritime security at national defense ng bansa sa naturang bahagi ng archipelago.
Susulatan aniya ang Pangulo BBM na i outline ang operational at strategic benefits ng paglikha ng hiwalay na command.
“It will improve our response capabilities because a dedicated command would provide focus, leadership, resources, and operational capabilities to address security challenges,” … “Establishing a dedicated command would strengthen the Armed Forces of the Philippines’ capacity to safeguard national interest, enforce sovereignty, and ensure the security of our maritime domain,” anang Senador na Majority Floor Leader sa Mataas na Kapulungan. RNT