MANILA, Philippines – Malakas at patuloy na lumalago ang tiwala ng publiko sa sipag sa trabaho at malasakit ni Senator Christopher “Bong” Go, partikular sa pagreporma sa healthcare at sa mga hakbang niya para sa mahihirap.
Sa unang quarter ng Pulso ng Pilipino Tracking Poll na isinagawa ng The Issues and Advocacy Center mula Pebrero 17 hanggang 22, si Sen. Go ay nasa pagitan ng una at ikatlong puwesto sa nairehistrong impresibong 55.3% voters preference o halos 99% awareness rating.
Ang nasabing numero ay katulad din ng iba pang survey. Sa Social Weather Stations (SWS) survey mula Pebrero 15 hanggang 19, umakyat si Go sa pangalawang puwesto na may 38%—mula sa ikatlo hanggang ikaapat na pwesto noong Enero (37%) at Disyembre 2024 (32%).
Sa survey ng Pulse Asia noong Enero 18-25, nalagay din siya sa ikalawa hanggang ikatlong puwesto na may 50.4% habang sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research mula Enero 25 hanggang 31, nagtala si Go ng mas mataas na 58%.
Sa February 10-13 Tangere Hatol Ng Bayan 2025 survey, nasa matibay rin siyang posisyon na ikatlo sa nakuhang 51.25% sa 2,400 mobile-based respondents.
“Taus-puso ang aking pasasalamat sa patuloy na suporta at tiwala ninyo sa aking pagseserbisyo. Kung papalarin at mabibigyan ako ng bagong pagkakataong maglingkod sa bayan at maging representante ninyo sa Senado, lalo kong sisipagan ang pagseserbisyo sa kapwa ko Pilipino sa abot ng aking makakaya,” ayon kay Go.
“Sipag, malasakit at mas maraming serbisyo ang maiaalay ko sa inyo dahil bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos!,” dagdag niya.
Habang lumalapit ang halalan, bumibilis din ang pagtaas ng mga numero ni Go, na nagbibigay-diin sa tatak ng kanyang serbisyo-publiko na nakararating hanggang sa ibaba ng mga Pilipino, simula pa noong unang pasok niya sa Senado.
Ang pagtaas ng public preference ni Go ay nagsimula noong 2018 nang itatag ang unang Malasakit Center.
Noong panahong iyon, ang mga programa sa tulong medikal ay nakakalat sa iba’t ibang ahensya, kung saan ang mahihirap na pasyente ay napipilitang sumuong magulong burukrasya para lamang makakuha ng tulong.
Dahil dito, ang programang Malasakit Center ay itinatag ni Go sa pamamagitan ng pag-akda at pag-sponsor sa Republic Act No. (RA) 11463, upang direktang matugunan ang matagal nang problemang ito.
Pinagsama-sama sa mga one-stop shop na ito ang tulong mula sa Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Nabawasan ang red tape para sa mga pasyenteng nangangailangan.
Sa ngayon ay may 167 Malasakit Centers ang gumagana sa buong bansa at mahigit 17 milyong Pilipino ang natulungan na sda kanilang gastusin sa ospital. RNT