MANILA, Philippines – Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na linisin ang listahan ng mga driver na isinusumite ng transport network companies (TNCs) upang matiyak na sa mga lehitimong benepisyaryo lamang mapupunta ang tulong ng pamahalaan, kasunod ng ulat ng mga pekeng pangalan sa listahan.
Si Gatchalian, na chair ng Senate PROTECT ad hoc committee at Senate Finance Committee, ay naghayag ng pag-aalala matapos ibunyag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga iregularidad sa listahan ng mga rider at driver na galing sa TNCs.
“If your list is messy and the number of beneficiaries is increasing, the budget allocation will not be completed. We will also have a hard time because where will we get the funds?” ani Gatchalian sa pagdinig sa Senado.
Binigyang-diin niya na ang pagkakaroon ng mga hindi awtorisadong pangalan ay nagpapahirap sa pamamahagi ng ayuda, lalo na’t limitado ang pondo at dapat lamang mapunta sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, natuklasan ng ahensya ang mga iregularidad sa listahan na isinumite ng LTFRB at TNCs, na naging dahilan ng pagkaantala sa pamamahagi ng P5,000 cash subsidy para sa mga driver at rider na apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina dulot ng krisis sa Middle East.
“The disbursed was supposed to be 85% of the original targets pero because the goal posts keeps on moving especially app based drivers hindi na ho namin inilagay (we no longer pointed it as) indicative,” ani Gatchalian.
“Why aren’t we using digital platforms to do it? What we found out from this exercise is the lack of a clean list… what was promised to us is clean list by the TNCs… now what we call a junk list,” dagdag niya.
Dahil dito, sinabi ng DSWD na babalik sila sa manual validation ng mga benepisyaryo upang matiyak na tunay at lehitimong driver ang makatatanggap ng ayuda.
“We need to validate…verify. We need to know if the person we are talking about is a real person, and if the person we are talking about is indeed a driver,” ayon pa sa kalihim. RNT