Home METRO Gawaan ng ilegal na paputok sa Pangasinan, sinalakay ng mga awtoridad

Gawaan ng ilegal na paputok sa Pangasinan, sinalakay ng mga awtoridad

347
0

PANGASINAN, Philippines – Nakakumpiska ng iba’t ibang uri ng ilegal na paputok ang mga personnel ng Calasiao Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection (BFP) matapos nilang salakayin ang isang pagawaan ng paputok sa bayang ito nitong Disyembre 13.

Sa naturang pagsalakay ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng: 2 boxes of Dynamite firecrackers; one box ng Sinturon ni Judas firecrackers; 1/2 box ng Five Star firecrackers; 12 sacks na may kargang mga firecracker cases; isang plastic bag na may kargang mga firecracker fuses; at, isang box na naglalaman  ng firecracker cases.

Nabatid na nakatanggap ang Calasiao MPS ng impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay sa mga illegal na paputok  na pinuprodyus o ginagawa sa isang mango field sa kanilang bayan.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga PNP at BFP personnel na nagresulta sa pagkakumpiska ng mga naturang illegal na paputok.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na mabilis na tumakas nang maramdaman ang pagdating ng mga awtoridad. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here