MANILA, Philippines- Umapela si Pope Leo noong Miyerkules para sa tigil-putukan sa Gaza at nanawagan sa mga militante ng Israel at Hamas na ganap na igalang ang internasyunal na makataong batas.
Umapela rin si Pope Leo para sa pagwawakas sa digmaan sa Ukraine.
Tinuligsa ng papa ang mga bagong pag-atake laban sa mga sibilyan at imprastraktura sa Ukraine noong mga araw mula nang ilunsad ng Russia ang pinakamalaking aerial attack sa tatlong taong digmaan.
Si Leo na nagdiriwang ng ikatlong linggo bilang papa noong Huwebes ay ilang beses nang binanggit ang labanan.
Noong nakaraang linggo, nanawagan si Pope Leo na payagan ang mas maraming humanitarian aid na makapasok sa Gaza.
Inilunsad ng Israel ang kampanya sa Gaza bilang pagganti sa pag-atake na pinamumunuan ng Hamas sa mga komunidad sa southern Israel noong Oktubre 7, 2023 na pumatay ng humigit-kumulang 1,200 katao at nakakita ng 251 hostage na dinukot sa Gaza. Jocelyn Tabangcura-Domenden