MANILA, Philippines – Nanawagan ng imbestigasyon si Pope Francis upang matukoy kung ang mga pag-atake ng Israel sa Gaza ay nagreresulta ng genocide, ayon sa mga sipi na inilabas noong Linggo mula sa paparating na bagong libro bago ang jubilee year ng Papa.
Ang aklat, ni Hernán Reyes Alcaide at batay sa mga panayam sa Santo Papa, ay pinamagatang “Hope never disappoints. Pilgrims towards a better world.”
Ipapalabas ito sa Martes bago ang 2025 jubilee ng papa. Ang buong taon na jubilee ng papa ay inaasahang magdadala ng higit sa 30 milyong mga peregrino sa Roma upang ipagdiwang ang Holy Year.
“According to some experts, what is happening in Gaza has the characteristics of a genocide,” sinabi ng papa sa mga sipi na inilabas noong Linggo ng Italian daily La Stampa.
“We should investigate carefully to determine whether it fits into the technical definition formulated by jurists and international bodies,” dagdag pa niya.
Noong nakaraang linggo nakipagpulong din si Francis sa isang delegasyon ng mga hostage ng Israel na pinalaya at ang kanilang mga pamilya na nagsulong sa kampanya upang maiuwi ang mga natitirang bihag ay may editorial control sa naturang aklat.
Sa bagong libro, binanggit din ni Francis ang tungkol sa migration at ang problema ng pagsasama-sama ng mga migrante sa kanilang host country.
“Faced with this challenge, no country can be left alone and no one can think of addressing the issue in isolation through more restrictive and repressive laws, sometimes approved under the pressure of fear or in search of electoral advantages,” sabi ni Francis. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)