Home SPORTS Sotto, Fajardo sanib-pwersa sa FIBA ​​Asia Cup Qualifiers

Sotto, Fajardo sanib-pwersa sa FIBA ​​Asia Cup Qualifiers

MANILA, Philippines — Excited na si coach Time Cone na gamitin ang twin tower nina 7-foot-3 center  Kai Sotto at June Mar Fajardo sa pagsabak nila sa 2nd window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na magsisimula sa Huwebes.

Ayon kay team manager Richard del Rosario, si Sotto ay “good to go” para sa qualifiers games kontra sa New Zealand (Thursday) at Hong Kong (Sunday) matapos kumpletuhin ang concusion protocols.

Matatandaang nailagay sa concussion protocol si Sotto ng  Japan B League matapos tamaan sa ulo sa 80-72 panalo ng Koshigaya Alphas laban sa Yokohama noong nakaraang linggo.

Subalit ang 6-foot-10 na si AJ Edu ay nananatiling walang medical clearance at patuloy itong sumasailalim sa strength and conditioning para sa kanang tuhod na na-injured kamakailan sa 71-68 pagkatalo ng Nagasaki Velca sa Akita Northern Happinets.

Malaking tulong ang  presensya ni Sotto para sa Gilas dahil ang Tall Blacks ay darating na may manlalarong 7-footerat dalawang 6-foot-10.

“Nagdadala sila ng mas matatangkad kaysa sa nakaraan,” sabi ni Cone tungkol sa New Zealand.

Samantala, si Cone ay tuwang-tuwa na kapwa sina Fajardo at Sotto ay nasa fold ngayon.

“Ang maganda, nagkakaroon ng chemistry sina Kai at June Mar kung saan makakapaglaro sila nang magkasama. At talagang hindi karaniwan na makakuha ng dalawang sentro at payagan silang maglaro nang magkasama, “sabi niya.

Pinuri niya ang ang versatility at characters sa paglalaro ni Sotto.JC