Home ENTERTAINMENT Gerald, inokray ng Kim-Pau fan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gerald, inokray ng Kim-Pau fan!June 17, 2025 10:05 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Ball-baligtarin man ang mundo, memorable ang Pinoy Big Brother kay Gerald Anderson.Isang kabanata ito na hinding-hindi mabubura ng aktor sa kanyang isipan for as long as he lives.Kaya walang masama kung magbalik-tanaw si Gerald, or at least make any reference noong panahong naging bahagi siya ng PBB.Si Gerald kasi ang sumunod kay Barbie Forteza who joined Bahay ni Kuya.Looking back, ‘di sinasadyang nabanggit ni Gerald si Kim Chiu na nakasabay niya sa nasabing show many years ago.Sa PBB sila nagkakilala, nagkarelasyon at nag-break.Pumalag naman ang isang Kim-Pau fan.Hindi na raw dapat ginawa ‘yon ni Gerald dahil nananahimik na ang buhay ni Kim with Paulo, at ganoon din naman siya with Julia Barretto.O, ‘di ba’t sobrang kababawan lang ang peg?As if may naimbentong batas na bawal mag-reminisce! Ronnie Carrasco III