Home NATIONWIDE Jay Ruiz, muling itinalaga bilang PCO acting secretary —Bersamin

Jay Ruiz, muling itinalaga bilang PCO acting secretary —Bersamin

MANILA, Philippines – MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang veteran journalist na si Jay Ruiz bilang acting secretary ng Presidential Communications Office (PCO).

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa panayam ng GMA News Online.

Sinabi ni Bersamin na ang reappointment paper ni Ruiz ay ipinalabas araw ng Lunes, Hunyo 16.

Kung matatandaan, ipinagpaliban ng Commission on Appointments ang deliberasyon ng appointment ni Ruiz bilang PCO chief. Kris Jose