Home SPORTS Gilas Pilipinas handa na vs Tall Black, Hong Kong

Gilas Pilipinas handa na vs Tall Black, Hong Kong

MANILA, Philippines – Tinalo ng  Gilas Pilipinas, sa kanilang nag-iisang tuneup para sa ikalawang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers, ang Meralco, 96-82, sa kanilang laban  sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Ayon sa Gilas, pinaghahandaan nila ng husto ang kanilang unang laban ngayong Huwebes (Nov. 21) kontra New Zealand Tall Blacks at sa Linggo (Nobyembre 24) kontra sa Hong Kong sa Mall of Asia Arena.

Kinumpirma ni Bolts head coach Luigi Trillo ang development sa  at sinabing humanga siya sa performance ng team sa kabila ng maikling panahon ng paghahanda para sa window ng Nobyembre.

 “Mukhang nagiging matutulis na sila,” ani Trillo. “The newer guys are still trying to fit into the system but they’re coming along. They can beat New Zealand if they put their minds to it.”

Sa tuneup, pinasok ni Gilas head coach Tim Cone ang lahat mula sa 15-man pool maliban sa big man na si AJ Edu, na may injury sa tuhod, sina Jamie Malonzo at Calvin Oftana.

Nananatiling hindi available si Malonzo dahil sa injury na ilang buwan nang nag-sideline sa kanya habang si Oftana ay sariwa pa sa isang nakakapagod na finals series sa pagitan ng kanyang TNT at Barangay Ginebra sa PBA Season 49 Governors’ Cup.

Naglaro ang  Bolts na wala sina Allein Maliksi, CJ Cansino, Brandon Bates, at DJ Kennedy gayundin si Chris Newsome, na naging bahagi ng Gilas pool.

Sa nakita ni Trillo, mukhang maganda ang Gilas bago ang pagsagupa nito sa New Zealand, na kasalukuyang nakatabla sa Pilipinas sa team standings gamit ang magkaparehong 2-0 win-loss card.

 “Gusto ko ang nakikita ko. [I am] very impressed with Kai Sotto,” dagdag ni Trillo.

“Their starters played well particular (Justin) Brownlee, Dwight Ramos, and Kai Sotto. They led by as much as 16. We tie it twice. Medyo nahirapan yung mga bagong guys pero expected na yun.”

Nagsilbi ang tuneup game bilang bahagi ng paghahanda ng mga nationals sa laban nila ngayong Huwebes kontra Tall Blacks  at Hong Kong sa Linggo sa Mall of Asia Arena.