MANILA, Philippines – Naghiganti ang New Zealand sa Gilas Pilipinas matapos mag-apoy mula sa downtown patungo sa 87-70 panalo nang tapusin ng magkabilang koponan ang kani-kanilang pagtakbo sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers kahapon sa Spark Arena, New Zealand.
Matatandaang nalasap ng Tall Blacks ang kanilang kanilang kauna-unahang pagkatalo sa isang setting ng FIBA sa Pilipinas sa ikalawang window noong Nobyembre kaya naghiganti sila at hindi na lumingon para kuning ang top seed sa Group B na may 5-1 kartada.
Samantala, dalawang magkasunod na talo ang natamo ng mga Pinoy para tapusin ang preliminaries sa 4-2 baraha ngunit nakatitiyak na ng puwesto sa tournament proper noong Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.
Nagsimula nang malakas ang New Zealand, ibinaon ang anim na triples sa unang quarter sa likod ng big men na sina Toho Smith-Milner at Jordan Ngatai para doblehin ang Gilas sa pagtatapos ng unang frame, 30-15.
Ang bench ng Gilas sa pangunguna nina Calvin Oftana at Carl Tamayo ay nagpasiklab ng rally, na pinutol ang depisit sa isang digit, 37-29, salamat sa 14-7 rampage para buksan ang second period. Ang New Zealand, gayunpaman, ay sumagot ng 16-4 na pagsabog upang kunin ang malaking 53-33 halftime advantage matapos ang Tall Blacks ay tumama ng tatlo pang three-pointer.
Lumaban ang Gilas sa second half, pero kulang pa rin.
Nagpalitan sina AJ Edu at Chris Newsome sa pagtama ng young big man ng triple para tapusin ang ikatlo bago pinasigla ni Newsome ang 11-3 run para simulan ang fourth at putulin ang deficit sa 11 matapos mahabol ng hanggang 28 sa unang bahagi ng third, 77-66.
Ngunit hindi nabigla ang New Zealand na ipinalasap ang kabayaran ng paghihiganti laban sa mga Pilipino.
Umiskor si Smith-Milner ng limang triples patungo sa 25-point outing kasama ang siyam na rebounds, dalawang assists, isang steal, at isang block habang ang beteranong si Corey Webster ay naglabas ng 14 markers at dalawang dime para manguna.
Bilang isang koponan, gumawa ang New Zealand ng 13 triples laban sa anim ng Pilipinas.
Si Justin Brownlee, na nagpasabog ng 39 points laban sa Chinese Taipei, ay nalimitahan sa 10 puntos ngayong laro habang sina Newsome at June Mar Fajardo ay nagposte ng tig-13 at 11 markers.JC