Home METRO Totoy inanod ng baha

Totoy inanod ng baha

LEGAZPI CITY- Natagpuan na ang katawan ng isang 9-anyos na lalaki na inanod ng baha kasama ang kanyang lola sa bayan ng Bacacay sa Albay nitong Sabado.

Iniulat ng mga awtoridad na natagpuan ang batang lalaki sa Barangay Hindi sa parehong bayan dakong alas-8 ng umaga. Hindi pinangalanan ang bata sa ulat.

Nawala siya nang matangay ng baha dakong alas-4 ng hapon noong Biyernes, habang tumatawid sa kalsada sa Barangay Bonga.

Natagpuan namang patay ang kanyang 60-anyos na lola na si Violy Belga, sa isang ilog sa barangay halos isang oras matapos ang insidente.

Lubog sa baha ang ilang bayan dahil sa malakas na ulang dulot ng Shear Line. RNT/SA