Home METRO Bangkay ng lalaki itinapon sa kalsada

Bangkay ng lalaki itinapon sa kalsada

BATANGAS- Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na posibleng biktima ng summary execution o salvage kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Sto. Tomas.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-12:45 ng madaling araw sa South Luzon Expressway (SLEX) Toll Road 4 na sakop ng Barangay San Bartolome, ng naturang bayan ng mga nagpapatrolyang nagpapatrolya ang Barangay Public Safety Office.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nakasuot ng jersey na may print na Akrho, black shorts habang duguan ang ulo nito at nakagapos ng lubid ang mga kamay ay paa.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na may kaanak na nawawala at maring makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para sa pagkakakilanlan.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agarang pagdakip. Mary Anne Sapico