MANILA, Philippines- Sinaksak ng isang 26-anyos na security guard ang isang lalaking naghatid sa kanyang asawa sa kanilang tahanan sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal nitong Huwebes, ayon sa Rodriguez Rizal Police.
Batay sa police report, nakita ng suspek na bumaba ang kanyang asawa mula sa motorsiklo ng biktima pagdating sa kanilang bahay.
Doon niya kinompronta ang biktima at sinaksak ito sa dibdib dahil sa selos.
Agad binala ang biktima sa ospital at nasa maayos na kondisyon na.
Ayon sa mga pulis, nadakip na ang suspek at nahaharap sa frustrated homicide charges. Tumangi siyang magkomento sa insidente. RNT/SA