MANILA, Philippines – Tinapos ng Gilas Pilipinas Women ang kampanya nitong 2024 William Jones Cup sa 82-66 na pagkatalo sa Chinese Taipei-A noong Miyerkules sa New Taipei City.
Maagang natambakan ang mga Pinay na naiwan sa 26-10 sa pagtatapos ng unang quarter at hindi na nakabawi sa host country.
Sa pagkatalo, ang Pilipinas ay nagtapos sa ikaapat sa anim na koponan sa kompetisyon na may 2-3 win-loss slate.
Nakuha ng Japan Universiade ang kampeonato sa pamamagitan ng 5-0 sweep ng tournament, kung saan pumangalawa ang Chinese Taipei-A na may 4-1 win-loss record, at ang Chinese Taipei-B sa pangatlo na may 2-3 slate.
Si Naomi Panganiban ay may 19 puntos, apat na rebound, at dalawang assist, habang si Afril Bernardino ay may 12 puntos at anim na rebound para sa Gilas Women.
Nag-ambag si Stephanie Berberabe ng 12 puntos, habang si Jack Animam ay may walong puntos at siyam na rebounds.
Sinimulan ng Pilipinas ang Jones Cup sa 73-60 na pagkatalo sa Chinese Taipei-B matapos mahirapan sa three-point arc, ngunit nakabawi ang Gilas at tinalo ang Malaysia Harimau, 74-63.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Gilas Women sa kampeonato subalit nasayang ng matalo sila sa sa Japan, 85-83, ang pinakamalapit na margin na panalo ng naging kampeon sa tournament.
Nakamit ng Pilipinas ang panibagong panalo kontra Thailand, 68-58, ngunit hindi na nagawang tapusin ang torneo sa panibagong tagumpay nang matalo ito ng Chinese Taipei-A.JC