Home NATIONWIDE Ginang arestado sa pambubugaw ng anak sa online sexual show

Ginang arestado sa pambubugaw ng anak sa online sexual show

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang ginang na ibinubugaw ang kanyang anak para sa online sexual shows at exploitation.

Ayon sa NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD), patong-patong na kaso ang kinakaharap ng isang ina kabilang ang Anti-Trafficking in persons Law, Cybercrime Law, Child Abuse Law, at Rape by Sexual Assault.

Nag-ugat ang operasyon sa referral mula sa Department of Justice – Office of Cybercrime laban sa isang indibidwal na iniaalok ang minor na anak para sa online sexual show at exploitation.

Bunsod nito, nagsagawa ng entrapment at rescue operation ang NBI-HTRAD at NBI-Northeastern Mindanao Regional Office (NBI-NEMRO) kasama ang NBI – Digital Forensics Laboratory sa San Luis Ginoong, Misamis Oriental na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.

Tatlong menor de edad ang nasagip sa operasyon na itinurn-over na sa DSWD. Jocelyn Tabangcura-Domenden