Home METRO Ginang, dedo sa pananambang sa CaloocanMETRONATIONWIDETOP STORIES Ginang, dedo sa pananambang sa CaloocanJuly 3, 2025 14:34 FacebookTwitterPinterestWhatsApp CALOOCAN, Philippines – Dead-on-the-spot ang 44-anyos na babae matapos tambangan at pagbabarilin ng hinihinalang riding in tandem sa Caloocan City.Tumakas naman ang mga salarin patungo sa hindi nabatid na lugar sakay ng motorsiklo.Napag-alaman na sinundan ng suspek ang biktima habang pauwi na sa tinitirhang subdivision sa Brgy. 169 nang maganap ang pananambang.Inaalam din ng pulisya kung totoong isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang biktima.Blangko pa din ang pulisya sa motibo ng pamamaril. (Merly Duero)