Home METRO Ginang nagulungan ng trak, pisak

Ginang nagulungan ng trak, pisak

PATAY ang isang housewife matapos magulungan ng isang malaking tanker truck makaraang mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa Valenzuela City.

Agad binawian ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si alyas “Helen”, 54 ng DM Compound, Heroes Del 96, Brgy. 73, Caloocan City habang ligtas naman ang kanyang mister na si alyas “George”, 57.

Mahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang driver ng isuzu tank lorry na si Romel Nalangan, 26 ng San Roque II Bagong Pag-Asa, Quezon City.

Sa report ni Taffic Police investigator P/MSg. Marvin Umayam kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-6:19 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Maysan Road, Brgy. Maysan ng lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng nasabing lugar papuntang Paso De Blas nang tangkain mag overtake sa naunang truck ang motorsiklo na minamaneho ng mister ng biktima.

Gayunman, nawalan ng kontrol sa nanibela si ‘George’ kung kaya tumama sila sa kaliwang bahagi ng truck na naging dahilan upang mahulog sa motorsiklo ang biktima.

Dahil dito, nagulungan ang ginang ng dambuhalang truck na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang sumuko naman kay PCpl Jayferson Launa ang driver ng naturang truck. Rene Manahan

Previous articleEstudyante sugatan sa tandem sa Taytay
Next article5 budol-budol nasakote sa QC