Home METRO Ginang niratrat habang nagluluto ng tanghalian

Ginang niratrat habang nagluluto ng tanghalian

157
0

MANILA, Philippines – HINDI na natapos na lutuin ang nilulutong pananghalian ng isang 49-anyos na ginang nang pagbabarilin ito ng hindi nakikilalang gunman nitong Sabado, Mayo 17, sa Sitio Gitna, Barangay Ilayang Nangka, sa lungsod ng Tayabas, Quezon.

Kinilala ng Tayabas City Police Station ang biktima na kaagad na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan mula sa hindi pa matukoy na baril na kinilala sa alyas Anna, 49, naninirahan sa nabanggit na lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas- 11:30 ng tanghali habang ang biktima ay kasalukuyang nasa kusina ng kanilang bahay kung saan abala sa paglululo ng pananghalian nang biglang dumating ang suspek at pinagbabaril ang nasabing ginang.

Napag-alaman na matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek na nakasuot ng kulay itim na long sleeve at lulan ng Kawasaki Barako Motorcycle na walang plaka.

Nabatid sa ulat na patuloy ang imbestigasyon ng Tayabas City Police Station sa naganap na krimen kung saan patuloy na inaalam ang pagkakilanlan ng suspek para sa agarang ikadarakip nito. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here