Home NATIONWIDE P300K ‘di rehistradong slimming coffee nasamsam sa Maynila

P300K ‘di rehistradong slimming coffee nasamsam sa Maynila

227
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga pulis ang P300,000 halaga ng hindi rehistradong “slimming coffee” sa isang operasyon sa Maynila kung saan inaresto ang apat na indibidwal dahil sa pagbebenta umano ng produkto.

Wala umanong kaukulang certificate of product registration ang slimming coffee sa Food and Drug Administration (FDA), isang paglabag sa Repiblic Act 9711, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang pahayag nitong Sabado.

Ikinasa ang operasyon noong Biyernes sa warehouse building sa Binondo, ayon sa CIDG.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 20 master boxes ng “slimming cofee” ayon sa pulisya.

Inihahanda na ang kaukulang kaso ang apat na suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here