Home METRO Ginang patay sa kinakasama sa matinding selos

Ginang patay sa kinakasama sa matinding selos

MANILA, Philippines – Patay ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang kinakasama matapos ang pagtatalo dahil sa matinding selos nitong madaling araw sa Barangay Macabling sa lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Kinilala ng biktima na si Candy Joy Inciong, nasa hustong gulang, samantalang ang suspek na nadakip ng mga rumespondeng tanod at dinala ito sa himpilan ng Santa Rosa City Police Station na nakilalang alyas Ralf na pawang naninirahan sa nabanggit na lungsod.

Nahaharap sa kasong homecide at pansamantalang nakakulong sa Santa Rosa Police Station. Ellen Apostol