Home METRO Utol utas sa bolo ni kuya

Utol utas sa bolo ni kuya

LAPU-LAPU CITY, Cebu- Patay ang isang 43-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng kanyang kuya gamit ang “bolo” sa Purok Thailand, Barangay Libertad sa Bogo City nitong Linggo ng hapon, Hunyo 9, 2024, bandang alas-3: 00 p.m.

Kinilala ang biktima ng pananaksak sa Bogo na si Nestor Sayson Limpag, 43 anyos, construction worker at residente ng Purok Texas ng nasabing barangay.

Samantala, kinilala ang kanyang nakatatandang kapatid na si Benjie Sayson Limpag, 46 taong gulang, isa ring construction worker at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Bogo Police Station, gumagawa ng uling ang dalawa nitong Linggo nang biglang nagkaroon ng alitan ang dalawa na nauwi sa kanilang away.

Sa kanilang pag-aaway, biglang hinugot ng kuya ang kanyang bolo at sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Naisugod pa sa Cebu Provincial Hospital sa Bogo City ang biktima ng pananaksak sa Bogo ngunit idineklara itong patay ng attending physician.

Agad namang inaresto ng rumespondeng pulis ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bogo Police Station.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kaukulang kasong isasampa laban sa suspek sa pananaksak sa Bogo. RNT