Home NATIONWIDE Ginang pinagbabaril-patay sa Quiapo

Ginang pinagbabaril-patay sa Quiapo

MANILA, Philippines – Masusing iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang insidente ng pamamaril sa isang ginang sa Quiapo, Maynila nitong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na ulat, kinilala ang biktima na si Laima Dorham y Raymundo, 41 anyos.

Ayon sa sketchy report mula sa Barbosa Police Station o PS 14, nangyari ang insidente alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng A. Bautista kanto ng Norzagaray. Brgy. 384, Quiapo, Manila.

Sa paunang impormasyon, isang lalaki na nakasuot lamang ng white t-shirt at kalbo ang responsable sa pamamaril sa biktima habang ito ay naglalakad sa lugar.

Matapos ang pamamaril ay agad ding umalis ang suspek patungo sa direksyon ng Globo de Oro.

Naitakbo pa sa Jose Abad Santos General Hospital ang biktima ngunit hindi na umabot pang buhay.

Nagpapatuloy ang follow-up operation ng pulisya para masakip ang suspek at malamang motibo sa pagaptay sa biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden