Home METRO Ginang todas sa pananaksak ng senglot na kapitbahay; anak sugatan

Ginang todas sa pananaksak ng senglot na kapitbahay; anak sugatan

SAN ANDRES, Quezon- Patay ang isang may-bahay, habang sugatan ang kanyang anak nang pagsasaksakin ng isang lasing na kapitbahay sa Barangay Tala sa bayang ito noong Abril 1.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Leonor Absalon, 56.

Dumating ang suspek, kinilala sa pangalang Garry, 36, sa bahay ng biktima at bigla na lamang sinaksak si Leonor. Sinubukang tulungan ni Rosalie, 34, ang kanyang ina subalit inatake rin siya ng suspek.

Pumanaw si Leonor habang ginagamot sa San Andres Municipal Health Center.

Tumakas naman si Garry at pinaniniwalaang nagtatago sa kabundukan ng San Narciso, Quezon.

Nahaharap ang suspek, na nakasuot ng orange T-shirt at camouflage shorts, sa kasong murder at frustrated murder. RNT/SA

Previous articleKelot nalambat sa annulment scam
Next articleDOH sa mga iskul: Sa gitna ng mainit na panahon, kondisyon ng mga mag-aaral isaalang-alang