MANILA, Philippines – Nagmarka ng mahalagang tagumpay ang Department of Transportation (DOTr) sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway Extension (NSCR-Ex) sa Clark, Pampanga.
Sa isang pahayag nitong Lunes, Pebrero 2, sinabi ni Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez na nailagay na ang unang pangunahing suporta o girder para sa NSCR-Ex Clark Segment (Contract Package N-04), kasabay ng pagsisimula ng rail welding sa Mabalacat Depot (Contract Package NS-01).
Ang konstruksyon ng NSCR-Ex ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang mga kritikal na proyekto ng imprastraktura at makipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor.
Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng mga local government units (LGUs) sa pagtatapos ng proyekto sa pamamagitan ng pagtulong sa paglilinis ng right-of-way at iba pang isyu.
Ang NSCR-Ex Contract Package N-04 ay sumasaklaw sa konstruksyon at civil engineering ng humigit-kumulang 6.5 km ng railway track structure, kabilang ang underground station sa Clark International Airport (CRK).
Kasama rin dito ang elevated viaduct at bridges, isang underground tunnel papunta sa CRK Station, at ang at-grade access papunta sa NSCR dept. Jocelyn Tabangcura-Domenden