Home OPINION GIYERA ‘DI DASAL IPANLABAN SA DROGA

GIYERA ‘DI DASAL IPANLABAN SA DROGA

APAT ang kamamasaker lang dahil sa droga sa Navotas.

Sina Allan Sioson, 49; live-in partner nitong si Rosalia Menia, 26; Sally Sapallo, 41; at isang 15 anyos.

Ayon sa mga pulis, dati nang nakulong at nakalaya sa kalaunan si Sioson ngunit nababalitaan nilang bumalik ito sa pagtutulak ng droga at ginagawang drug den o hithitan ng droga ang kanilang bahay.

Nauna rito, magkakasunod ang mga naharang na drogang cocaine, shabu at party drugs na ibinababa ng mga eroplano galing sa ibang mga bansa.

Iba pa ang mga bundle ng marijuana na imported din at tinatawag na ‘hush’ at galing sa mga taniman sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Lahat ng ito, nagbubunga ng mga krimen gaya ng nangyari kina Sioson.

Nauna rito ngunit sa kalagitnaan ng buwan ding ito, sinabuyan ng kumukulo o mainit na maninit na tubig si Bryant Louise Ballesteros, 3-buwang baby ni John Melvin Caino, 18 anyos.

Umamin mismo si Caino na katatapos lang niya suminghot ng droga nang gawin ang krimen.

At kung mapapansin ninyo, dumarami rin ang mga magnanakaw na udyok ng droga at nirarason lang ng mga magnanakaw na ‘to na wala silang trabaho at gusto nilang mabuhay at ang kanilang mga pamilya.

Dumarami rin ang mga nire-rape at pinapatay gaya nang nangyari sa kolehiyalang si Jasmin Grace Casale sa Tuguegarao City at babaeng arkitekto na si Vlanche Marie Bragas sa Davao City.

Gusto nating malaman kung may kinalaman ang mga ito sa droga at kung meron, dapat mabitay na lang sana ang mga ito.

Sa kabilang banda, kahit na nalulunod na lahat sa balita ukol sa maiskandalong 990 kilong shabu na hawak ng mga pulis sa Tondo, Manila, may mga nahuhuli pa ring mga pwersa ng pamahalaan na hindi lang mga pulis kundi bumbero rin.

Dapat magtulong-tulong ang lahat sa giyera sa droga lalo’t hindi umuubra ang dasal lamang laban dito.

Previous article22 panukalang batas, pipirmahan na lang ni PBBM – Zubiri
Next article1M OFW SA SAUDI AT MARAMI PANG IBA