Home ENTERTAINMENT Gladys, to the rescue sa entertainment media!

Gladys, to the rescue sa entertainment media!

Manila, Philippines – Isa sa mga matatawag na Darling of the Movie Press ang primera kontrabida na si Gladys Reyes.

Despite na karamihan sa mga roles niya ay nang-aapi sa bida ay kabaligtaran naman yun sa totoong buhay, huh!

Sabi ni Gladys, hindi siya naniniwala sa sinasabi ng ilang kilalang celebrities na hindi kailangan ang mga entertainment press ngayon dahil kaya nilang i-promote ang kanilang sarili, basta malakas lang sa social media, huh!

“Hindi po totoo yan,” diin pa ni Gladys.

“Kailangan namin ng tulong niyo, kailangan pa rin ng suporta, di ba? At ang dami niyong naitulong in the past.

“Pagpapatunay lang na mula noon hanggang ngayon, kailangan natin ang ating movie press, media, kailangang-kailangan pa rin hanggang ngayon,” dagdag pa ng isa sa mahal naming aktres.

Sa ngayon ay pino-promote nina Gladys at ng asawang si Cristopher Reyes ang kanilang resto.

Si Christopher ang nag-aasikaso ng restaurant, lalo na sa mga pagkaing inihahanda sa kanilang diner.

“Chef Chris” na ang tawag kay Christopher dahil sa kanilang restaurant business na siya nagpo-focus.

Si Gladys naman ang bahala sa marketing.

Ipinatikim nila ang mga specialty nilang Bulalo Supreme, Dinakdakan, Bulalo Kare-Kare, fried lumpia, Fried Bangus na may laing o Bicol express, at ang Flaming Chicken.

Samantala, nabanggit ni Gladys na malapit na nilang simulan ang bagong drama series na gagawin niya sa GMA-7.

Ito iyung Cruz vs. Cruz kung saan ay makakasama niya si Vina Morales, na first time pa lang daw niyang makatrabaho.

“First time ko naman to work with Vina sa isang serye.

“So, abangan niyo dahil teleserye ito, kaabang-abang ang mga, kumbaga, intense na eksena with Ate Vina,” biting banggit pa ni Gladys.

Hindi niya nabanggit kung kontrabida ang papel niya, huh!

Bukod kay Vina, kasama rin niya rito sina Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, Pancho Magno, at Elijah Alejo, sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada. Jimi Escala