Home METRO Kelot utas sa poste ng kuryente

Kelot utas sa poste ng kuryente

PANGASINAN- Kamatayan ang sumalubong sa isang 24-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng kuryente sa Brgy. Babasit, Manaoag ng lalawigang ito kaninang pasado ala-1 ng madaling-araw.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay residente ng San Vicente, San Jacinto, Pangasinan.

Minamaneho ng biktima ang Yamaha Mio 125 motorcycle at bumibiyahe papuntang kanlurang direksyon sa provincial road sa naturang lugar nang biglang mawalan siya ng kontrol sa manibela ng sasakyan hanggang sa dumiretso at bumangga ang kanyang motorsiklo sa poste ng kuryente.

Resulta nito, nagtamo ng head injury ang driver na agad na isinugod sa Manaoag Community Hospital.

Gayunman, ang driver ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso