MANILA, Philippines- Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makatrabaho ang dalawang bagong opisyal ng ahensya na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Welcome sa DOLE ang bagong talaga na sina Undersecretary Warren Miclat at Assistant Secretary Lennard Constantine Serrano, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido laguesma.
Ayon kay Laguesma, makatutulong nang malaki sa sektor ng mga manggagawa ang kanilang mga karanasan sa kanilang mga propesyon.
Kapwa itinalaga ni PBBM kahapon sina Usec. Miclat at Asec. Serrano bilang bagong makakatuwang ng DOLE na magbigay proteksyon sa mga manggagawang Pilipino. Jocelyn Tabangcua-Domenden