Home NATIONWIDE Global oil production tumaas ng 0.4% noong Marso

Global oil production tumaas ng 0.4% noong Marso

MANILA, Philippines – Tumaas ng 0.4% o 410,000 barrels per day (bpd) ang produksyon ng langis sa buong mundo, o aabot sa 102.35 milyong bpd noong Marso.

Ayon sa pinakabagong report ng International Energy Agency (IEA) nitong Biyernes, Abril 12, ang crude oil production ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ay tumaas ng nasa 110,000 bpd noong Marso sa 27.05 milyong bpd.

Umabot ang kabuuang oil production ng 32.51 milyong bpd sa kaparehong panahon.

Samantala, tumaas din ng 410,000 bpd noong Marso sa tinatayang 69.84 milyong bpd ang arawang oil production sa non-OPEC countries na nagrekober mula sa matinding pagbagsak sa pagkalugi noong Enero.

“The United States and Canada accounted for 200,000 bpd of the monthly gains, while output in China and Norway rose by 60,000 bpd and 40,000 bpd, respectively,” saad sa report.

“With the post-COVID rebound now largely complete, and vehicle efficiencies and an expanding EV fleet acting as further drags on oil demand, growth in 2024 and 2025 slows to 1.2 million bpd and 1.1 million bpd, respectively,” sinabi ng IEA.

Ngayong taon ay tinatayang nasa 103.17 milyong bpd ang global oil demand, mas mataas ng 1.21 milyong bpd sa nagdaang taon. RNT/JGC