Home METRO 2 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka sa Mindoro

2 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka sa Mindoro

MANILA, Philippines – Nasagip ang dalawang mangingisda nitong Sabado ng umaga, Abril 13 matapos na lumubog ang banka ng mga ito sa tubig na sakop ng Lubang, Occidental Mindoro.

Sa ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog na bandang alas-8 ng umaga, inabisuhan sila ng PCG station sa Lubang na lumubog ang fishing boat na “Rex and Roy” askay ang dalawang mangingisda.

Ito ay nasa 12 nautical miles timog ng Cabra Island.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng PCG kasama ang mga lokal na awtoridad at sinagip ang dalawang mangingisda na kinilalang sina Joel Damalerio, 80, at Rolan Ranque, 51, kapwa-residente ng Mamburao.

Nasa maayos na kondisyon ang mga mangingisda na agad na dinala sa pagamutan para suriin. RNT/JGC