Home NATIONWIDE Global protest vs US action sa Venezuela, ikakasa sa Maynila

Global protest vs US action sa Venezuela, ikakasa sa Maynila

192
0

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng Global Day of Action in Solidarity with Venezuela, makikilahok ang mga aktibista sa Maynila sa pandaigdigang pagkilos sa Sabado, Enero 17.

Layunin ng protesta na kondenahin ang umano’y pag-atake ng Estados Unidos sa Venezuela noong unang linggo ng taon at ang pagdakip kina Pangulong Nicolás Maduro at Cilia Flores, na dinala sa U.S. upang harapin ang mga kasong may kaugnayan sa droga.

Kabilang sa mga makikilahok sa global protest ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya at KAISA KA, na inaasahang lalahukan ng humigit-kumulang 170 hanggang 200 katao.

Magsisimula ang pagtitipon alas-8:30 ng umaga sa National Library sa Kalaw Street bago magmartsa patungong U.S. Embassy sa Roxas Boulevard.

Inaasahang kokondenahin ng nasabing mga grupo ang mga isyu kaugnay ng langis, mga sanksyon, at umano’y paglabag sa internasyunal na batas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here