Home ENTERTAINMENT Gloria Diaz, kumampi kay DTI sec Roque, inokray!

Gloria Diaz, kumampi kay DTI sec Roque, inokray!

307
0

Manila, Philippines – “Magsama kayong dalawa!”

Ito ang nanggigigil na reaksyon ng karamihang netizens sa pagsang-ayon pa ni Gloria Diaz sa tinuran ng kontrobersyal na si DTI Secretary Cristina Roque.

In the news ang Kalihim dahil sa kanyang P500 Noche Buena budget na ipinagpipilitan niyang kakasya sa panghanda.

Kung nadadagdagan ang listahan ng mga showbiz celebrity na nagsasabing malabong magkasya ang nasabing halaga–given the hard times–si Gloria lang ang bukod-tanging naiiba.

Aprub kasi ‘yon sa kanya–sa madaling salita, ang P500 budget ay pasok sa banga!

Sa katunayan, ani Gloria ay meron ka nang corned beef, fruit salad, pineapple juice na maraming yelo at pancit.

Pero mapapaisip ka din–kelan pa naging handa ang karne norte tuwing bisperas ng Pasko?

Anyway, ipinakita nga daw sa kanya ni Roque–who’s her good friend– ang mga sample meal plans within the 500-peso budget.

Kinontra naman ito ni Zoren Legaspi, saying that Noche Buena is suppossed to be a feast.

Therefore, walang puwang ang pagtitipid.

Zoren’s wife Carmina Villaroel shares the same take on the issue.

Dahil nga sa approving statement ni

Gloria kung kaya’t inuurot ng mga netizens na: “Magsama kayo!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here