Manila, Philippines- Sa isang reel na kumalat kung saan nagsasalita ang beteranong actor na si Phillip Salvador sa isang provincial sortie para isulong ang kanyang kandidatura, hindi napigilang mag-react ng actress at beauty queen na si Gloria Diaz.
Walang kagatul-gatol na nagkomento ang Miss Universe 1969 na: “Yung anak mo padala mo ng pera.”
May mga nawindang at naaliw din sa pagiging straight forward ni Gloria.
Nagtaka pa ang netizens kung sinong anak ang tinutukoy ng beteranang aktres.
Sey pa ng kibitzers, sagad daw ang pagsopla ni Gloria kay Ipe.