CITY OF SAN FERNANDO- Naghain si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo nitong Sabado ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa ikalawang termino sa 2025 polls.
Sa dokumentong isinumite sa Commission on Elections (Comelec) filing center sa Benigno Aquino Hall sa provincial capitol grounds, tinukoy ni Arroyo ang Lakas-CMD bilang kanyang political party.
Sinamahan siya ni Pampanga Gov. Dennis Pineda habang nagtungo rin sa lugar ang mga lokal na pinuno mula sa anim na bayan sa ikalawang distrito bilang suporta kay Arroyo.
Sa isang panayam, sinabi ng 77-anyos na mambabatas na prayoridad niya sa kanyang ikatlong termino “to continue supporting the administration of President Marcos.”
Sinabi rin niyang ipagpapatuloy niyang katagpuin ang “needs of the province and the district.” RNT/SA