Home NATIONWIDE GO: P7B UTANG NG GOBYERNO SA HEALTHCARE WORKERS BAYARAN!

GO: P7B UTANG NG GOBYERNO SA HEALTHCARE WORKERS BAYARAN!

288
0

MANILA, Philippines – Mariin ang panawagan ni Senate committee on health chairman Senator Bong Go sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na hanapan ng pondo at bilisan ang pagbabayad sa umano’y “long overdue” na utang ng gobyerno sa mga healthcare worker ng bansa.

Sa kanyang manipestasyon kahapon sa sesyon ng Senado, muling inungkat ni Senador Go ang halos P7 bilyon na health emergency allowance na noong panahon pa ng pandemya dapat naibigay.

Iminungkahi ng senador na isama sa 2026 budget o di kaya’y kunin sa unprogrammed funds ng pamahalaan ang pondong ibabayad sa mga healthcare worker.

Ang mahalaga umano’y maibigay na ito sa lalong madaling panahon dahil may healthcare workers na nagkasakit o namatay, na hindi man lang natatanggap ang kanilang health emergency allowance.

Matatandaan na noong isang taon, P27 bilyong utang sa health emergency allowance ang naibayad ng pamahalaan sa qualified healthcare workers bunga ng sunod-sunod na hearings at paniningil sa Senate committee hearing ni Senator Bong Go. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here