Home OPINION SOLUSYON SA PROBLEMANG BAHA, INALOK NG TOLLWAY COMPANY

SOLUSYON SA PROBLEMANG BAHA, INALOK NG TOLLWAY COMPANY

207
0

HINDI lang sa pagkakaloob ng ligtas, mabilis, at maayos na mga expressway nakatutok ang North Luzon Expressway Corporation kundi ang makatulong din sa pamahalaan para makabuo ng pangmatagalang solusyon sa mga pagbaha.

Sabi nga ni NLEX OIC at Metro Pacific Tollway Corporation Chief Finance Officer Luis Reñon, hindi natatapos lamang sa kanilang layuning maipagpatuloy ang pangakong magkaloob ng expressway na madaraanan ng ligtas ng mga motorista kahit masungit ang panahon, kundi nakatutok din sila sa pagpapatibay sa mga tulay at rehabilitasyon ng mga ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Noon pa man aniya ay nagsasagawa na sila ng inisyatiba para maresolba ang pagbaha tulad na lang ng pagtatalaga ng 120 personnel araw-araw, paggamit ng amphibious backhoe, backhoe na ikinakarga sa barge, boom at dump trucks at ipa pa para masolusyunan ang pagtaas ng tubig sa mga panahong walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan, pati na ang pag-iinspeksyon sa clearing operations para makita kung ano pa ang dapat baguhin upang maibsan ang pagbaha.

Karaniwan kasing naghahanap ng masisisi ang ilang opisyal ng pamahalaan, mga ahensya, at pati mga lokal na pamahalaan, kapag lumubog ang mga lansangan sa baha, gayung nasa kanila naman ang malaking pondo na nakalaan para masolusyunan ang pagbaha.

Kabilang na sa mga nasisisi ang mga tollway companies tulad ng NLEX Corporation at South Luzon Expressway kaya kailangan talaga ang sama-samang pagtutulungan ng pampubliko at mga pribadong kompanya para sa pang-matagalang solusyon sa pagbaha.

Nito nga lang Agosto 4, 2025, sama-samang inilunsad ng pribado at pampublikong kompanya ang clean-up at clearing operations sa iba’t-ibang daluyan ng tubig bilang bahagi ng magkakasamang pagsisikap ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong kompanya.

Nagpasalamat naman kay Department of Transportation Secretary Vince Dizon ang NLEX Corporation, isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation o ang toll road na kaagapay ng Metro Pacific Investments Corporation.

Sana naman, sa ganitong mga aktibong panawagan sa pamahalaan para mapanagot ang mga nasa likod ng mga palpak at guni-guning proyekto ay maging isang tunay na kaganapan na aabangan ng publiko para naman tuluyang maibalik nila ang tiwala ng mamamayan.

Maaaring magpadala ng inyong puna at reklamo sa aking email address na [email protected] o pwede rin magpadala ng mensahe sa 0995-1048357.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here