MANILA, Philippines – HINIHINTAY ng Department of Energy (DOE) ang pagsang-ayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para simulan ang hydrogen exploration sa Pilipinas bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng gobyerno para pagiba-ibahin ang energy sources.
Sa sidelines ng Stratbase ADR Institute’s Pilipinas Conference 2024, sinabi ni Energy Secretary Raphael P.M. Lotilla na ia-anunsyo ng DOE ang research activities sa oras na matanggap na nila ang ‘green light’ mula sa Presidential office.
“I don’t want to preempt the Office of the President from acting on it. Therefore, we will make the announcements when the President has approved it,” ang sinabi ng Kalihim.
Matatandaang, sinabi ng DOE na may anim na international firms at tatlong local firms ang nagsumite ng kanilang mungkahi para sa petroleum at hydrogen exploration sa Central Luzon.
Ayon sa 2024 Philippine Bid Round, mayroong tatlong panukala para sa isang lugar na designated bilang PDA-PH-1 at dalawang panukala para sa PDA-PH-2. ang aplikasyon na ito ay matagumpay na nakapasa sa first round ng assessments at magpapatuloy naman sa susunod na evaluation stage.
Sinabi ng departamento, na ang nasabing bidding round ay nakakamit ng mahalagang record para sa qualified applications sa predetermined areas, nalampasan ang resulta ng Philippine Energy Contracting Round (PECR) 5 noong 2015 at ang Philippine Conventional Energy Contracting Program (PCECP) mula 2018 hanggang 2019.
Idagdag pa rito, inanunsyo ni Lotilla noong nakaraang linggo na ang energy agency ay aktibong nakaugnay sa Ministry of Energy of Saudi Arabia kasunod ng kanilang memorandum of understanding (MOU), kabilang na ang probisyon para sa native hydrogen exploration, bukod sa iba pang usapin.
Idinagdag pa rin ni Lotilla na nagpahayag ang Saudi Energy Minister ng interest na imbestigahan ang native hydrogen ng Pilipinas, mayroong dalawang potential research na lugar na tukoy sa Zambales.
Isang framework sa pagitan ng dalawang bansa ang inaasahan na maisasapinal sa loob ng susunod na tatlong buwan.
Sa kabila ng hydrogen developments, ang MOU sa pagitan ng Saudi Arabia at Pilipinas ay “encompass petroleum derivatives, sustainable aviation fuel (SAF), and digital technology for electrical management and energy efficiency.” Kris Jose