Home NATIONWIDE Gobyerno kailangang magsilbi nang may integridad sa gitna ng kaguluhan – PBBM

Gobyerno kailangang magsilbi nang may integridad sa gitna ng kaguluhan – PBBM

MANILA, Philippines- Kinakailangang makinig ang gobyerno ng Pilipinas at magsilbi nang may integridad sa sambayanang Filipino sa gitna ng kaguluhan na nangyayari sa lipunan.

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang 128th founding anniversary ng Philippine Army (PA).

Binigyang-diin ng Pangulo na: “When peace and order are in place, the country can work towards prosperity.”

“To achieve this, the government must lead by example, we strive for a government that listens, that acts and serves with integrity,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“That is the only way to rise above adversities and move forward as a people,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Nakararanas kasi ngayon ang Pilipinas ng political turmoil kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng crimes against humanity na isinampa laban sa kanya.

Sa kasalukuyan, ang dating Pangulo ay nasa kustodiya ng International Criminal Court, hakbang na labis na kinuwestiyon ng kanyang kampo at mga taga-suporta, iginiit na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa Pilipinas.

Ipinaliwanag naman ni Pangulong Marcos na ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay legal. Binigyang-diin na kinilala nito ang commitment sa Interpol at hindi sa ICC.

Samantala, pinuri ni Pangulong Marcos ang Philippine Army para sa anibersaryo nito, sabay sabing ang mga pangunahing serbisyo ay naging haligi ng lakas at katatagan para sa bansa.

Samantala, hinikayat ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang kanyang tropa na palaging maging “reliable in execution, responsible in leadership and relevant in addressing the ever-changing needs of our country and people.”

“As we raise our flags today, we salute all those who came before us and reaffirm our absolute and unwavering commitment to the future of an independent and progressive Philippines,” ang sinabi ni Galido. Kris Jose