Home NATIONWIDE Gobyerno, nananatiling proactive sa pagprotekta sa mga Filipino

Gobyerno, nananatiling proactive sa pagprotekta sa mga Filipino

145
0

MANILA, Philippines – Patuloy na gumagawa ang gobyerno ng ‘proactive steps’ para tugunan ang mga pangangailangan ng mga filipino at pagaanin ang epekto ng nagpapatuloy na global challenges.

“Nakikita po natin kung ano ang ginagawa ng gobyerno…nakikita niyo kung paano kumilos ang gobyerno, kung gaano kabilis kumilos ang gobyerno, at kung gaano na rin karami ang ginawa ng gobyerno para sa ating taumbayan,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Winika ni Castro na ang gobyerno ay patuloy na i-adapt ang whole-of-government approach, sabay sabing maliban sa Department of Energy, Department of Foreign Affairs ay nakikipag-ugnayan ito sa ibang bansa para humanap ng alternatibong sources o pagkukuhanan ng energy supply.

“Nagtutulungan ang bawat ahensya. As a matter of fact, binanggit ni (DOE) Secretary Sharon Garin, pati ang DFA ay nakikipagtulungan na para makahanap ng alternative countries for the supply,” ang winika ni Castro, tinukoy ang mga bansang Canada, USA, South America, at Russia.

Para pagaanin ang epekto ng krisis sa oil supply sa mga ordinaryong mamamayan, naglatag ang gobyerno ng mga hakbang gaya ng “free and discounted transportation” para sa mga mananakay, cash assistance at fuel subsidy para sa public utility vehicles (PUV), at fuel at fertilizer subsidies sa mga magsasaka at mangingisda.

Pinalawig naman ng gobyerno ang P20 rice program sa 627 centers kabilang na ang Kadiwa outlets para makapagbigay sa mga Filipino ng affordable commodities. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here